REPLEKSYONG
PAPEL
ANG MENSAHE NG
BUTIL NG KAPE
Ako bilang ako,
abo nga ba ang nasalamin ko pagkatapos kong mabasa at masuri ang akda tungkol
sa Mensahe ng butil ng kape?
Sa
unang bahagi, ipinaliwanag ng ama kung bakit niya pinakuluan ang carrot, itlog
at ang butil ng kape. At napagtanto ko na tumatagos sa akin ang kanyang
pagpapaliwanag ng kanyang mga ginawa.
Sa
una, naisip ko na maaari kong maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang carrot.
Bakit? Sapagkat may mga tao sa paligid ko na iniisip na kaya ko lahat. Iniisip nila
na magagawa ko kasi matalino raw ako, subalit nagkakamali sila. Tao lang ako na
may kahinaan din, may limitasyon sa aking kakayanan. Pinipilit kong magawa ang
iniisip nila, subalit may kahinaan din ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kayak
o. nagiging mahina rin ako. Kung si superman nga na napakalakas ay may kahinaan
ding taglay, ako pa kaya na tao lang?
Pangalawa
sa itlog, nanyari na may mga taong naniniwala na mabuti ako. Subalit katulad ng
sinabi ko sa una pa lamang ‘tao lang po ako”. May negative side din sa ugali
ko. May tao na naging malambot ang puso
ko sa kanya, subalit dahil sa mga pagsubok sa amin ay unti-unti na nagging bato
ang aking puso para sa kanya. At ang resulta ay matagal bago ko pa siya
napatawad.
Ngunit
sa lahat ng nabanggit ay sa isang butil ng kape ko nakikita ang aking sarili. Sapagkat
ako, naniniwala ako na hindi ako tumitiklop sa anumang pagsubok na nais tumibag
sa akin. Nakakayanan kong lampas an ang mga hamon sa aking buhay, sa tulong ng
Panginoon. Sapagkat batid ko na hindi niya ako bibigyan ng pagsubok ng hindi ko
kayang malagpasan. Naniniwala ako na kung madapa ka man ngayon ay dahil iyon sa
may bagay na dapat kang pulutin sa baba at dadalhin mo ito sa iyong muling
pagbangon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento