BUOD
ANG
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE
“THE
STORY OF CARROT, EGG AND A COFFEE BEAN”
ISINALIN
SA FILIPINO NI WILLITA A. ENRIJO
Isang
araw habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka ay narinigniyang nagmamaktol ang
kanyang anak dahil sa dinaranas niyangpagod sa pagsasaka. At ayon pa sa kanyang
anak ay hinda na makatarungan ang kanyang buhay dahil sa dinaranas na
paghihirap.
Dahil
duon, ay niyaya ng ama ang kanyang anak patungo sa kanyang kusina at agad na
nagpakulo ang ama ng tubig sa tatlong palayok. Matapos kumulo ng tubig agad
inilagay ng ama ang carrot sa unang palayok, ang itlog sa ikalawang palayok at
ang butyl ng kape sa ikatlong palayok.
Matapos
ang dalawampung minuto, pinalapit niya ang kanyang anak sa mga palayok upang
ipaliwanag ang mensahe nais iapahatid ng kanyang mga ginawa.
Sa
unang palayok, ang carrot na sa simula ay matikas, malakas at tila di matitibag
,subalit ng mailahok sa kumukulong tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa
kahinaan pagdating sa pagsubok sa buhay. Samantala, ang itlog na may puti at
manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob nito ay nagging
matigas matapos mapakuluan. At kung ito ay ihahalintulad sa buhay ay katulad ng
isang tao na sa simula ay may mabuting puso subalit sa pagdaan ng unos sa buhay
ay nagkakaroon ng matigas na kalooban na hindi nagpapatawad sa nagkasala sa
kanya.
Subalit
ang butil ng kape, na nagdagdag ng kulay at bango sa kumukulong tubig. Katulad
ng isang taong matatag sa anumang
pagsubok sa buhay, at higit sa lahat ay nagagawa nitong magpabago sa mga
pangyayari sa paligid nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento