Lunes, Nobyembre 7, 2016

REPLEKSYONG PAPEL
ANG MENSAHE NG BUTIL NG KAPE
Ako bilang ako, abo nga ba ang nasalamin ko pagkatapos kong mabasa at masuri ang akda tungkol sa Mensahe ng butil ng kape?
            Sa unang bahagi, ipinaliwanag ng ama kung bakit niya pinakuluan ang carrot, itlog at ang butil ng kape. At napagtanto ko na tumatagos sa akin ang kanyang pagpapaliwanag ng kanyang mga ginawa.
            Sa una, naisip ko na maaari kong maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang carrot. Bakit? Sapagkat may mga tao sa paligid ko na iniisip na kaya ko lahat. Iniisip nila na magagawa ko kasi matalino raw ako, subalit nagkakamali sila. Tao lang ako na may kahinaan din, may limitasyon sa aking kakayanan. Pinipilit kong magawa ang iniisip nila, subalit may kahinaan din ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kayak o. nagiging mahina rin ako. Kung si superman nga na napakalakas ay may kahinaan ding taglay, ako pa kaya na tao lang?
            Pangalawa sa itlog, nanyari na may mga taong naniniwala na mabuti ako. Subalit katulad ng sinabi ko sa una pa lamang ‘tao lang po ako”. May negative side din sa ugali ko. May tao na naging  malambot ang puso ko sa kanya, subalit dahil sa mga pagsubok sa amin ay unti-unti na nagging bato ang aking puso para sa kanya. At ang resulta ay matagal bago ko pa siya napatawad.

            Ngunit sa lahat ng nabanggit ay sa isang butil ng kape ko nakikita ang aking sarili. Sapagkat ako, naniniwala ako na hindi ako tumitiklop sa anumang pagsubok na nais tumibag sa akin. Nakakayanan kong lampas an ang mga hamon sa aking buhay, sa tulong ng Panginoon. Sapagkat batid ko na hindi niya ako bibigyan ng pagsubok ng hindi ko kayang malagpasan. Naniniwala ako na kung madapa ka man ngayon ay dahil iyon sa may bagay na dapat kang pulutin sa baba at dadalhin mo ito sa iyong muling pagbangon.
BUOD
ANG MENSAHE NG BUTIL NG KAPE
“THE STORY OF CARROT, EGG AND A COFFEE BEAN”
ISINALIN SA FILIPINO NI WILLITA A. ENRIJO
Isang araw habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka ay narinigniyang nagmamaktol ang kanyang anak dahil sa dinaranas niyangpagod sa pagsasaka. At ayon pa sa kanyang anak ay hinda na makatarungan ang kanyang buhay dahil sa dinaranas na paghihirap.
Dahil duon, ay niyaya ng ama ang kanyang anak patungo sa kanyang kusina at agad na nagpakulo ang ama ng tubig sa tatlong palayok. Matapos kumulo ng tubig agad inilagay ng ama ang carrot sa unang palayok, ang itlog sa ikalawang palayok at ang butyl ng kape sa ikatlong palayok.
Matapos ang dalawampung minuto, pinalapit niya ang kanyang anak sa mga palayok upang ipaliwanag ang mensahe nais iapahatid ng kanyang mga ginawa.
Sa unang palayok, ang carrot na sa simula ay matikas, malakas at tila di matitibag ,subalit ng mailahok sa kumukulong tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan pagdating sa pagsubok sa buhay. Samantala, ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksyon sa likidong nasa loob nito ay nagging matigas matapos mapakuluan. At kung ito ay ihahalintulad sa buhay ay katulad ng isang tao na sa simula ay may mabuting puso subalit sa pagdaan ng unos sa buhay ay nagkakaroon ng matigas na kalooban na hindi nagpapatawad sa nagkasala sa kanya.
Subalit ang butil ng kape, na nagdagdag ng kulay at bango sa kumukulong tubig. Katulad ng isang taong matatag sa anumang  pagsubok sa buhay, at higit sa lahat ay nagagawa nitong magpabago sa mga pangyayari sa paligid nito.